top of page

Oh My! Ex ko ang teacher ko!

  • by: Ursula the Geek (Wattpad Writer)
  • Feb 1, 2017
  • 3 min read

“Sorry, we need to break up!”


Those were the words that kept me tulala my entire life.


But bago pa ako mag-cry2x sa harap ng inyong papel, I would like to introduce myself. I am Ernesto Juan Marcial Salvador jr. aka Erin Sanchez. Tama ang hula ninyo, isa ako sa mga pinanganak na may unique beauty prowess. Oo na! Isa akong bakla!


My life wasn’t like other gays like their father make lunod-lunod them to the drum full of tubig or harina. Supportive kaya ang papsi ko noh and I am grateful for it.


My high school life wasn’t as vibrant as what others were. You know yung binubully ka nila like to death. So annoying! And out of the blue, I met Ismael. He is a senior student of my school back then. Napakagwapo niyaaaaaaa like he was a prince of a far far away kingdom. I was a freshman student at that time.


To cut the long story short, naging kami. I used my entire beauty prowess to seduce him and it worked. Mahimatay kaya ako sa kakapapaganda kapag nag pass-by siya sa aming corridor. Nagtagal kami. Promise! Four months, I think? Pero naghiwalay nga lang kami. Graduation niya ‘yon. Sad Story.


two men showing love with one another

Years passed at naging isang ganap na magandang dilag na talaga ako. I am taking up AB English sa isang prestigious university. Naglipana ang mga ayaw ko dito sa unibersidad (aming canteen, enrolment process, etc.). Isa lang ang gusto ko at yun ay ang mga gwapong fafas. Oh my! Kaloka. Malulunod talaga ako rito.


I thought that wala na talagang mas igaganda pa itong unibersidad na ito (sarcastic yan!) nang nakita ko si Ismael. Pffft!!! For all the five universities, 3 colleges and 1 academy in this region, dito pa siya nagtuturo. Galing, teacher ko pa siya sa Probability and Statistics. Galing Lord! Galeeeeeng! Pinalampas ko lang ang kamalasan ko. Hindi ako uma-attend ng klase ng Ex-boyfriend ko. Ang awkward kaya! Balita ko, kilig na kilig ang mga kaklase ko sa kanya. Ang hilig daw niyang magpatawa. Killer smile daw siya. Matipuno, Matangkad at Kayumanggi ang balat. Aaminin ko! Lalo syang gumagwapo. Dahil sa curiosity ko, I tried to attend his class. Tama nga yung mga classmates ko. Napakagwapo niyaa. Parang anghel’ng nahulog sa langit. Erin! Sabi ko sa sarili ko. Gyera ito! Maghunos dili ka!

And I realized that I’ve made the worst decision. Damn! He calls me every recitals, orals or even in written exams. Kaloka. Salamat kay mamsi’t papsi at hindi ako ipinanganak na olats ang utak. Nasasagot ko lahat ng mga tanong niya. Akala ko katapusan ko na.

Nang matapos ang klase, I hurriedly ran outside the door but my classmates blocked me and went first. I was left with him in the room.


Gossh!! Ang awkward! Sabi ko habang papalapit siya sa akin. Erin Sampit niya.


Yes? Sagot ko. Bakit ba tayo naghiwalay? Tanong niya.


At ang lahat ay nag flashback sa akin.


Graduation niya iyun ng lapitan ako ng mama niya. Alam daw niya ang lahat. Ang lahat-lahat. Sabi niya dapat tapusin na namin ang kahibangang ito. Iyak ako ng iyak habang umu-oo sa kanya. Nilapitan ko si Ismael habang nakipagmingle sa kanyang mga kaibigan. Hinila ko siya’t sinabing “Sorry, we need to break up!” At patakbo akong umalis habang umiiyak.

I’m sorry pero yun ang reason At ulit tumakbo ako.


Lumipas ang mga buwan and he never approached me since. He maintained the teacher-student relationship which I am also maintaining. Every night umiiyak ako habang nagsisisi sa ginawa ko sa kanya. Minsan napagbibiruan ako ng mga classmates ko dahil sa malaki’t maitim kong eyebags. Ngunit dumating yung araw na iyun. It was a Monday and his class was my first subject. Walang tao sa room. Nag change room kaya? O sembreak na hindi ko lang namalayan. Naglakad ako sa corridor ng makita ko ang isa kong kaklase. Humarurut siyang tumakbo papunta sa akin sabay sabi Sumama ka sa akin. Hinila niya ako papunta sa university grounds.


The song ‘Thinking Out Loud’ by Ed Sheeran played as I stepped at the court grounds. I saw him at the other end holding the microphone. WAIT?!! Siya ang kumakanta! WTF!!! Ang galing nya ha!!!! Nakakakilig!!!!!


Unti-unting lumapit siya sa aking kinatatayuan. Hinawakan niya ang kamay ko sabay sabing Wala akong paki alam kung ang girlfriend ko ay bakla. Naghiyawan lahat ng mga estudyante sa buong campus. Pati school administrators namin ay todo supporta! Hahaha. Artista ang peg!

Nagtanong siya sa akin, Pwede ba kita maging girlfriend ulit?


Nag pause ako sandali….

Uu naman! Sagot ko.


Nagdampi ang aming mga labi. Ako na ang pinakamasayang bakla sa whole wide world.


Well, boyfriend ko na ang teacher ko at hindi na ako tulala for the entire life...


Follow Ursula the Geek by clicking this link https://www.wattpad.com/user/bouyantpleasures


Commentaires


bottom of page